BISITA ni Strawberry si Don Diego nang araw na iyon. Kakagaling lang ni Strawberry sa supermarket na nasa tabi lang ng condominium building. Nag-grocery kasi ito ng kanilang kailangan ni Spencer sa araw-araw. Kaya talagang nabigla si Strawberry sa biglaang pagdalaw sa kanya ng Don. Nagpatulong si Strawberry kay Ferdie na pinabalik agad ni Spencer. Dahil nasabi ni Strawberry na mamimili siya ngayong araw. "Maupo kayo!" sabi niya kay Don Diego. Tumango ang Don sabay upo sa couch. Nakangiti itong nakatunghay kay Strawberry na naupo rin sa tapat ng Don. "Ano pong atin?" tanong ni Strawberry. "Kailan mo ba ako tatawaging Daddy, Sweet? Hindi ko pa yata narinig na tinawag mo akong Daddy." Sagot ng Don. "Naku! Nahihiya po kasi ako!" mabilis na tugon ni Strawberry at nag- init ang mukha nito.