MULING DUMATING ang private investigator ng pamilya Agoncillio. Tanging ang Don ngayon ang kausap nito. Inilabas nito ang dalang isang brown envelope na kinaroroonan ng kanyang report. Report ukol sa mga gumugulo sa isipan ni Don Diego. "What's the result?" tanong ng Don. "See it for yourself, Don Diego!" sagot ni Martin. Napako ang tingin ni Don Diego sa brown envelope na nasa kanyang harapan. Medyo nanginginig ang mga kamay nitong binuksan iyon. Halos pigil nito ang hiningang binasa ang DNA results ng mga labi ng Magdalene na nakalagak sa lugar na kanilang pinuntahan. At nanlaki ang mga mata ni Don Diego ss nakitang resulta. Zero percent na magkapareho ang DNA ng nasa puntod at sa DNA ng totoong Magdalene. "Is this real?" mahinang tanong ng Don na tila nanghihina habang hindi ito kum