HANGGANG sa Mansiyon ay hindi kinikibo ni Spencer si Strawberry. Tahimik lang ito at kapag kinakausap ni Strawberry ay bantulot pang sumagot. Ngayon lang nakadama si Strawberry nang sobrang sakit na dahilan upang manakit ang kanyang dibdib. Maihahalintulad ito noong pinalayas siya ng kanyang Tita kahit na anong pagmamakaawa niya noon. Ang kaibahan nga lang ay, hindi siya ipinagtabuyan ni Spencer. Paano ba namang ipagtatabuyan siya kung nasa kanyang sinapupunan ang bunga ng kanilang pagmamahalan. At ang magkatulad naman ay ang pagbintangan siyang may ginawa siya kahit na wala. Subalit tila immune na sa sakit si Strawberry. Lumuluha siya pero tahimik lang walang tunog kahit na ang kanyang hikbi. Na kapag pinunasan na niya ang kanyang mga luha ay agad na ring titigil ang kanyang paghikbi kasu