NAGNGINGITNGIT pa rin ang kalooban ni Tylane dahil sa nangyari kaninang umaga. Akala niya makakaya na niya si Strawberry dahil alam niyang hindi sila okay ng kanyang asawa. Iyong dadagdagan niya sana ang bigat na nararamdaman nito subalit mukha siya ang nakaramdam ng bigat sa dibdib. Napaigtad pa ito nang bumukas ang pinto ng kanilang silid ni Dion. Pinatawag kasi ito kanina ni Don Diego pagkatapos nilang kumain. At alam na ni Tylane kung ano ang sinabi ng Don sa kanyang asawa. Lihim na napaismid si Tylane konting- konti na lang kasi ang pagtitimpi niya sa pakialamerong Don. Gulat pa si Tylane nang bigla itong saklitin ni Dion sa kanyang braso. "What are you doing?!" mariing tanong ni Dion. "Anong pinagsasabi mo?" nagmamang-maangan namang tanong ni Tylane. Sa mahigpit na pinisil ni Dion