NAGISING si Magdalene sa nasa isang kwarto ito na hindi pamilyar sa kanya. Kaya agad itong bumalikwas at ipinalibot nito ang kanyang paningin sa paligid. At noon lang nito napansing nakatali pala ang kanyang mga kamay at paa tapos ay nakabusal ang kanyang bibig. Kahit anong subok niyang sumigaw ay wala ring nangyari. Sinubukan din nitong alisin ang kanyang tali subalit nabigo lamang si Magdalene hanggang sa makadama na rin ito nang panghihina. Naisip ni Magdalene ang kanyang mga anak na naroon sa abandonadong building kung saan sila nagkatagpo ng lalaking siyang bumihag sa kanya yata ngayon. Mailap ang mga mata ni Magdalene na muling sinuri ang kanyang kapaligiran at baka naroon lamang ang kanyang kalaban. Nang walang anu- ano ay biglang may pumalakpak mula sa kanyang likuran at papalapit

