C-121: Reunion

2550 Words

NADALA pa sa hospital si Don Enrique bago ito mabawian ng buhay. Anong bilis ni Venus na pumunta sa hospital nang malaman nito ang nangyari sa kanyang ama. Halos hindi ito makapaniwala sa kanyang nalaman noong una subalit nang makita niya si Don Enrique na nag- aagaw buhay ay saka pa lamang ito natauhan. Anong iyak nito at nagsisisigaw pa nang tuluyan nang nalagot ang hininga ng Don. Subalit bago ito tuluyang namaalam ay nasabi pa ng Don kung sino ang bumaril sa kanya nang tanungin ito ni Venus . "Magbabayad ka ng mahal El! Ipinapangako ko sa harapan ng bangkay ng aking ama, magbabayad ka ng mahal!" Sigaw ni Venus na umiiyak pa rin. "Dad... Daddy wake up! Marami pa tayong mga plano hindi ba? Paano na ako? Paano na ang ating mga plano at mga pangarap Daddy! Hindu ko kaya Dad! Hindi ko kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD