WALANG kasing lungkot ang muling naramdaman nina Magdalene at Don Diego nang hindi mahanap si Lyree mula sa dagat na kinahulugan nito. Nasa kulungan na rin si Venus kasama ang iba pang kasabwat ni Don Enrique. Nailibing si Don Enrique na hindi man lamang nakita o naihatid ni Venus sa huling hantungan nito. Hindi rin pinatigil nina Magdalene at Don Diego na ipahanap si Lyree at umaasa silang buhay pa ito dahil nga wala pa namang bangkay na napapabalitang natagpuan ng kahit sinuman. Kaya malakas pa rin ang kutob nilang maaaring buhay nga si Lyree. At palagi silang nagdarasal na isang araw ay babalik si Lyree sa kanila at hinding-hindi na ito mawawala ng tuluyan. Kagaya ng araw na iyon, mag-iisang buwan na simula ng araw na nahulog doon si Lyree ng dahil sa kagagawan ni Venus. Nag- alay ng is

