KAGAYA nang sinabi ni Doc. Aivee noon ay dinaanan niya si Strawberry isang hapon para ma- check up. Mas lumala kasi ang nararamdaman nitong panghihilo na may kasama ng suka. Hirap na hirap siyang bumabgon sa umaga at kumain ng normal. Pasikreto nga lang itong sinuri ni Aivee dahil ayaw pa nilang sabihin kay Don Diego at baka magulat ito mas lalong aatakihin sa puso. Lalo pa't sabik na sabik itong magkaroon ng apo. Ilang saglit lang naman si Aivee sa Mansiyon. Pagkatao nitong makipag-usap kina Lizzy at Venus ay umalis na rin ito. Halatang hindi masyadong close ang magkakapatid. Pinagpapasalamat din ni Strawberry na hindi siya binubuwist ni Venus. Dahil kung bubuwisitin siya ay ito na lamang ang pagbuntunan niya ng kanyang palaging pagkayamot. Idagdag pang isipin ang kanilang project, hahan