NAGISING si Strawberry sa kalagitnaan ng gabi. Hindi na ito makatulog pa napanaginipan niya ang kanyang Tiya Magda. Nagtataka siya kung bakit sa haba ng panahong hindi niya ito nakita ay ngayon lang niya ito napanaginipan. Ang wala nitong pakialam na ugali at ang laging nakasinghal na bosea nito na animo'y laging may kaaway. Napapaisip ito kung baka may malubhang sakit ang kanyang Tiya kaya niya ito napanaginipan. Napabuntonghininga si Strawberry hangga't maaari ayaw na niyang maalala ang kanyang Tiya. Bumibigat ang dibdib niya sa tuwing naaalala niya ang araw na pinalayas siya nito habang umuulan ng malakas. Tandang- tanda pa niya ang sinabi nito noon na wala siyang puwang sa kanilang bahay dahil malas siyang tao. Baka raw mahawaan sila sa kanyang kamalasang dala. Hindi nga niya alam kung