“WOULD YOU marry me?” Bigla ay tinanong ni Phoenix. Nagangat ito ng ulo, at tinitigan siya, nangungusap ang mga mata. Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan, ngayon lamang naungkat muli ang pagpapakasal nila. “N-ngayon?” May bahid ng pagbibiro ang tono ng boses niya, pilit pinakakalma ang puso'ng ibig kumawala sa dibdib. Humigpit ang yakap ni Phoenix. “Magbihis ka.” Utos nito, at itinulak siya papuntang kwarto. “Anything white, sweetheart.” Bagaman naguguluhan ay sinunod niya ang utos nito. Nagsuot siya ng isang puting dress, at naglagay ng kaunting makeup. Pagkalabas niya ng kwarto ay nakita niyang katabi ni Phoenix si Kairos, gising ang bata at ngayon niya napuna ang suot ng mga ito. They wore a matching white, long sleeve with their identical rolex watches. Noon pa lamang ay sana'y n