KAKAGALING lamang ni Spring mula sa trabaho. Nanakit ng husto ang kaniyang balikat, pagka't ngalay siya sa pagtitipa at pagguhit ng bagong koleksyon. Pagtapak pa lamang niya sa bahay ay agad na napakunot ang kaniyang noo. It was oddly quiet. Sa mga oras na ito ay nanonood na ng TV si Kairos, iniintay siya habang kasama si Jean. Ngunit wala ang bata sa salas, at ni anino ng mga ito ay hindi niya nakita. Bumalik ang masamang pakiramdam sa kaibuturan niya. Ito ang rason kung bakit aligaga siya kanina pa sa trabaho. Sumasal ang kaniyang dibdib, at inilang hakbang niya lamang ang hagdan at patakbong binuksan ang kwarto ni Kairos. Naroroon at hysterical si Jean. Pakiramdam niya ay naipit ang hininga, “Jean, anong nangyari?” Untag niya, at nangangatal ang kamay na hinaplos ang mukha ni Kairos. M