“YOU called, Mr. Cole?” Pormal na hinarap ni Spring si Phoenix, at magalang ang pakikipagusap niya dito. Na, nararapat naman dahil ito naman talaga ang Big Boss at tautauhan lamang siya nito. And they had to draw the line between professional and personal life. Gusto niyang ipagdiinan ang pagitan sa kanila, dahil kung umasta na rin ito'y tila baga nakalimutan nitong ang opisina ay hindi kasing-pribado ng pamamahay. Sigurado siyang laganap na sa buong kumpanya ang tsismis tungkol sa tuwina'ng pagbaba ni Phoenix sa designing dept., dahil hindi naman talaga ito nagtago. In broad, glaring daylight ay nagkukulong ito sa opisina niya, and she knew how ambiguous that sounded. Tinanggal nito ang salamin, at hantad na pinadaanan ng tingin ang kabuuan niya. Spring suddenly felt self-conscious with