INILAPAG ni Alejandro sa ibabaw ng center table ang kahon na naglalaman ng alahas na siyang ibinigay sa kaniya ng asawa kagabi. Ipapakita niya ito kay Simon at sa dalawang lalaking eksperto na kanilang kasama ngayon sa loob ng kaniyang opisina. Pinatawag niya ang mga ito para sa bagay na iyon. “I wanted to know who gave this to my wife. Gusto kong i-trace ninyo kung sino ang bumili at nagpadala nito sa bahay. And I wanted to know if this authentic or not.” Naupo siya sa sofa at tinanggal ang takip ng kahon. “Here it is.” Unang lumapit ang lalaking eksperto sa mga alahas, may dala itong mga kagamitan sa pagsusuring gagawin. Samantalang ang kahon naman ay tinignan ng isa pang eksperto at hinanap ang barcode ng naturang alahas. “This will be a bit hard, mukhang pinalitan ang karton ng alaha