BINALAK lumabas ni Assi ng bahay at magtungo sa boutique para sa inventory. Marami-rami ang kaniyang gagawin ngayong araw sa boutique ngunit hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin siyang umalis. Paano ba naman kasi ay kailangang sumunod sa kaniya ng dalawang tauhan ni Alejandro upang bantayan siya, ito ay ang kaniyang mga bodyguards. Naiintindihan niya naman ang nangyayari kaya hindi na muling nagreklamo sa asawa. Malalim siyang bumuntong hininga at sinuot ang kaniyang tote bag. Lumabas siya ng silid. Hindi niya na kinailangan pang magsalita, kaagad kasi siyang sinundan ng dalawa. Tila alam na alam na ng mga ito ang kanilang trabaho at mga dapat na gawin. Nagkibit balikat na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Natuwa siya nang pinagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan ng isa sa m