WALANG GINAWA si Ava kundi ang umiyak at mag-isip ng kung ano-anong negatibo. Takot na takot siya sa maaring mangyari sa kaniya sa oras na lumabas siya sa kasalukuyang tinutuluyan ngayon. Hindi niya maiwasang hindi isipin na baka wanted na siya sa labas at pinaghahanap na ng mga pulis. Nakipagkita siya kay Simon at tinulungan siya nitong makahanap ng matutuluyan, iyon na lamang daw kasi ang magagawa ng lalaki para sa kaniya lalo na at may problema rin itong kinakaharap ngayon patungkol sa lisensiya nitong nanganganib. Sa isang munurahing hotel siya tumuloy, maluwag naman iyon ngunit hindi siya komportable dahil wala ang mga makabagong kagamitan na mayroon ang nakasanayan niyang mga mamahaling hotel na tinutuluyan noon. Ngayon ay maging ang shower ay sira. Ayon kasi kay Simon ay hindi siy