PAGKAUWING-PAGKAUWI nila sa mansion pagkagaling sa hospital ay ikinagulat ni Assi ang ginawang pagtawag ni Alejandro sa bagong abugado na kinuha nito. Nais niya sanang pigilan ito at kausapin muna subalit kasalukuyan na itong nasa telepono at sinasabi sa abugado ang concern nito. Hindi siya mapakali sa loob ng kanilang silid habang nakikinig sa sinasabi ng asawa sa abugadong kausap sa telepono. Kinakabahan siya para kay Ava at ganoon din kay Simon na narinig niyang binanggit ng lalaki ang pangalan, pero hindi siya sigurado kung bakit. Sa pagkakarinig niya lamang ay parehong may kasalanan ang dalawa sa kanilang mag-asawa, lalong-lalo na sa kaniya at ipinapaasikaso na ito ngayon ni Alejandro. Ilang minuto ring nagtagal ang pakikipag-usap ng lalaki sa telepono bago iyon binaba at hinarap si