HINDI MAPAKALI si Assi sa loob ng kaniyang silid. Alas onse na ng gabi ngunit hindi niya magawang matulog. Sino ba naman kasi ang matinong ina na makakatulog nang wala ang anak sa kaniyang tabi? Talagang hindi siya sanay, at kahit anong pilit niyang matulog ay hindi niya magawa. Ibang-iba talaga ang pakiramdam niya na sa ibang silid natulog ang anak at hindi niya nakasama buong araw. Parang mayroong kulang sa kaniya na hindi niya maintindihan. Narinig niya ang pagpasok ng sasakyan sa ibaba, dali-dali siyang lumabas ng silid upang salubungin ang asawa. Sa garahe niya ito tinungo. Kaagad siyang lumapit at yumakap dito nang nakababa ang asawa mula sa sasakyan. Dinampian siya nito ng halik sa noo. “How are you? Bakit gising ka pa?” Sandali itong sumulyap sa suot na wrist watch. “Dapat ay tu