NANG DUMATING ang mga kaibigan ni Assi ay nakiusap na siya sa asawa na hiramin ang anak sa mga magulang nito na ngayon ay nagpapahinga kasama ang isang kasambahay sa isang guest room. Ngunit bumalik si Alejandro sa hardin na hindi dala ang kanilang anak na si Eros. “Oh, bakit?” tanong niya nang salubungin ang asawa. “Natutulog na si Eros eh,” tugon nito, “Hindi naman siguro aalis kaagad ang mga kaibigan mo. Hayaan muna natin kila mommy si Eros tutal ngayon lang naman nila nakasama ang iisa nilang apo.” Wala siyang nagawa sa sinabi ng asawa. Nagkibit balikat na lamang siya at bumalik sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan at tauhan sa butik. Idinahilan niya na lamang na tulog na ang anak. Naiintindihan naman siya ng mga ito at hindi na kinulit pa. Ala sais lang nang matapos ang maliit n