SUMABAY sila sa hapunan ng pamilya ni Yaya Gigi. Masaya iyon at kakaiba, marami kasi at maingay. Aakalin mong may piyesta kapag nagsalo-salo sila. Tuwang-tuwa roon si Assi, hindi niya kasi naranasan na maupo at kumain sa isang lamesa kasama ang masayang pamilya. Puno ng kuwentuhan at kasiyahan kahit na simpleng mga pagkain lamang ang nakahanda. Ganoon din naman si Alejandro. They were so happy. Nagtagal pa sila roon sa tahanan ng ginang bago nagbalik sa kanilang kubo upang magpahinga. Mahigpit na yumakap si Assi sa asawa at gumanti naman ito. “How is it?” Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa asawa nang kunot ang noo. “Ang alin?” “Baby making inside the cave. How is it?” Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi. “Hindi ko alam kung sira na ang ulo mo o hindi.” Natawa na laman