NAGMAMADALING nag-asikaso si Assi at nagpahatid sa hospital na kinaroroonan ng asawa. Dala-dala niya ang anak dahil hindi nais na iwan. Sinigurado niya na lamang na balot na balot ito at hindi makakakuha ng kahit na anong sakit sa hospital. Kasama niya rin si Belle na dala-dala ang gamit ng kanilang anak at pagkain na kaniyang pinaluto para sa asawa at sa ama nitong nagbabantay sa hospital. Dali-dali siyang pumasok sa silid at lumapit kay Alejandro. Kinuha ni Belle saglit si Eros upang magkausap sila nang maayos. Mahigpit siyang yumakap sa asawa dahil batid niyang ito ang kailangan nito ngayon. He needed her now. “Alejandro...” Nagsumiksik siya sa dibdib nito. Sa unang kita niya pa lamang dito ay kitang-kita niya na ang lungkot at bigat na nararamdaman ng lalaki. Ibang-iba ang awra nit