PINALAYO ni Assi ang kapatid na si Myra mula sa mga bubog na nagkalat sa sahig. Malalim siyang napabuntong hininga at kaagad iyong nilinis bago tuluyang dumating ang asawa. Nanghihina siya at nanghihina sa parehong pagkakataon. Wala siyang masamang hangarin para sa ina ng asawa, kahit na ano pa mang pagkakamali ang nagawa nito sa kaniya. Trenta minutos ang lumipas ngunit hindi pa rin dumarating si Alejandro, iyon ang saktong oras ng byahe ng asawa pauwi sa araw-araw niya itong hinihintay kaya naman nagtaka siya. Tinignan niya ang kaniyang cell phone kung mayroon itong tawag o text man lang subalit wala. Bakit kaya? Nasaan na kaya ito ngayon? Ang bigat-bigat pa naman ng loob niya ngayon. Naisip niyang maghintay pa ng ilang minuto dahil baka na-traffic lamang ito, maaga pa naman. Sampung mi