BUHOL-BUHOL sa isip ni Assi kung ano ba talaga ang dapat nilang unahing mag-asawa. Hindi niya nais na papiliin ang asawa kaya naman wala siyang sinabi rito na kung ano. Idagdag pa sa kaniyang pinoproblema ay ang nagawa ng asawa habang sila ay nasa kalsada. Talagang hindi niya nasaksihan ang buong pangyayari dahil abala siya sa kaniyang telepono. Ano na lang ba ang gagawin niya? It’s too complicated. Nagbubuhol-buhol na ang mga bagay-bagay sa kaniyang isip. Naghihintay lamang siya sa loob ng sasakyan kasama si Myra at Eros habang si Alejandro ay patuloy na kinakausap ng mga pulis. Wala siyang alam sa nangyayari sa loob, ngunit napakabigat ng kaniyang dibdib. Hindi niya akalaing ito ang mangyayari sa araw na ito, bakit tila napakamalas naman yata? Kinakabahan siya sa maaring sunod na mangy