KANINA pa nakaupo si Assi sa isang arm chair katabi ng hospital bed kung nasaan nakahiga ang ina at nananatiling walang malay. Ang asawa, anak at kapatid niya ay naghihintay sa waiting area. Isa lamang kasi ang hinahayaang pumasok sa loob ng emergency room/ward room ng public hospital kung saan nadala ang kaniyang ina. Hindi naman siya nais iwan ni Alejandro, kaya nagtiis itong maghintay sa labas kasama si Myra at Eros. Maya’t maya naman siyang lumalabas upang silipin ang mga ito at kanina lang rin ay bumili sila ng makakain. Pinagmasdan niya ang ina habang nananatiling nakapikit ang mga mata nito. Hindi maitatanggi na ito ang kaniyang ina, namana niya kasi talaga rito ang maganda niyang mga mata at manipis na mga labi. Noon pa nga ay palagi silang magkapera ng suot noong bata pa lamang