LIHIM na pinagmamasdan ni Assi si Alejandro kanina dahil sa simula pa sa byahe ay wala na ito sa mood. Maayos naman sila kanina at nakakausap niya pa nga ito, ngunit nang mayroong tumawag ay hindi na ito nagsalita pang muli. Pinaghintay siya nito sa labas ng isang gusali na kasalukuyang under construction. Ito pala ang tinutukoy nitong bagong gusali na ipinapatayo para sa kanilang bagong proyekto. Napakalaki nito at napakataas. Tila isang condominium, gaya ng kung anong nasa tarpaulin sa labas nito. “Good morning, Ma'am,” bati sa kaniya ng isa sa mga empleyado ni Alejandro. Pormal ang suot nito at mayroong suot na hard hot sa ulo dahil nasa construction site sila. Sa pakuwari niya ay isa itong engineer dahil ibang-iba ang porma nito at awra sa mga taong nasa loob. “You need to wear this.