WALANG gana si Assi na kinakain ang pagkain na ini-odder sa kaniya ni Alejandro sa isang restaurant na kanilang pinuntahan. Masarap naman ang pagkain at gustong-gusto niya ito, kaya nga lamang ay wala siyang gana sa pagsubo at pinaglalaruan niya ang mga piraso ng pasta. Nakapangalumbaba pa siya habang kumakain. Nakakalahati pa lamang siya, samantalang si Alejandro ay patapos na. “Don’t play your food.” Kanina pa ito nakatingin sa kaniya at pinagmamasdan siya. “Don’t you like it? We can order another.” He took the menu at held it to her. Marahan siyang umiling. “Ayos lang, masarap nga e,” walang kagana-gana niyang tugon, “Mabagal lang talaga akong kumain.” “You’re not mabagal, you’re playing, Assi. What’s wrong?” Ibinalik nito sa lamesa ang menu at napabuntong hininga. Hanggang ngayon