ASSI stepped out of their room, yawning. Kagigising niya lamang at balak niya nang maghain ng almusal para sa kaniyang mag-ama. Nag-unat siya ng mga braso at ikinembot pakaliwa at pakanan ang kaniyang mga baywang. Kay ganda ng kaniyang umaga at tila nakikisama ang panahon, pumapasok ang init ng araw mula sa salaming bintana ng rest house. Lumapit siya roon at binuksan ito. Mabilis na dumaloy papasok ang malamig na simoy ng hangin sa kabila ng mainit at tirik ng araw. “Good morning, Mr. Sea,” bati niya sa dagat na tanaw na tanaw mula sa kinaroroonan. Hanggang ngayon ay manghang-mangha siya sa lokasyon ng rest house dahil literal na katapat lamang ito ng dalampasigan, paglabas mo ng bahay ay ang puting buhangin kaagad ang iyong matatapakan. Itinali niya ang kaniyang buhok sa likuran at nagt