TATLONG LINGGO ang lumipas bago tuluyang napagkasunduan nina Alejandro at Assi na umuwi sa Maynila at harapin nang muli ang kanilang mga iniwan na problema. Walang napala si Alejandro sa pagpapahanap sa taong nagpadala kay Assi ng alahas. Masiyado itong magaling at hindi natukoy ang siyang pagkatao nito, ngunit natuklasan nilang tunay ang alahas at napakamahal nito. Subalit wala siyang pakialam kung gaano iyon kamahal o kung ano pa man, kaya niyang bigyan nito ang asawa kahit ilang daang ulit pa. Walang saysay kung magtatago pa sila dahil talagang matinik ang taong nais pumuslit sa kaniyang asawa. Malinaw na ang intensyon nito para sa kaniya, at hindi niya iyon hahayaan kahit na ano pa man ang mangyari. “Alejandro!” Patakbong lumapit sa kaniya ang ina nang pagpasok na pagpasok pa lamang