HANGGANG sa makauwi sila sa mansion ay hindi sila nag-imikan. Tila umurong ang dila nilang dalawa at parehong napipe. Pagkaparada ng sasakyan ay kaagad bumaba ng sasakyan si Assi, hindi niya na hinintay pa si Alejandro na pagbuksan siya ng pintuan. Balak niya na sanang pumasok sa loob ng bahay subalit naalala niyang nasa likurang bahagi ng sasakyan si Myra, kaya naman napabuntong hininga na lamang siya. Bumaba si Alejandro at tinungo ang backseat upang kunin ang nakababatang kapatid ni Assi, marahan nitong binuhat ang bata at nauna sa kaniya sa paglalakad. Sumunod na lamang siya rito habang pareho silang walang imik. Pinagmasdan niya ang lalaki mula sa likuran nito. From front to back he was so perfect. Tila isa itong modelo sa ilang sikat na mga kumpanya. She began to wonder how does it