NAPUNO ng luha ang kanilang mga mukha sa loob ng silid. Masayang-masaya si Assi na naibalik sa kaniya ang titulo ng kaniyang pinakamamahal na butik, subalit labis-labis din ang kaniyang kalungkutan sa tila pamamaalam ng ina ng asawa. Hindi niya iyon hinangad kahit na kung ano-ano pang masamang bagay ang nagawa nito sa kaniya. Habang nakikita niyang nahihirapan si Alejandro at ang ina nito ay mas nahihirapan siya. Nais niyang pagaanin ang mabigat na awra ngayon sa loob ng silid ngunit paano niya iyon gagawin? Huminga siya nang malalim. Mahimbing nang natutulog ang ginang na kanina ay iyak nang iyak habang kinakausap siya. Pumasok ang isang nurse kanina lamang at mayroon itong itinurok na gamot sa pasyente at maya-maya lamang ay nakatulog na ito. Marahang pinunasan ni Alejandro ang luha