“HONEY, I phoned to mom today.” Hinarap ni Assi ang asawa habang abala siya sa paglilista ng kanilang mga gastusin sa isang buwan. Gawain niya talaga ito upang makita ang buwanan nilang gastos. Hindi niya kasi nais na maging gastadora dahil lamang bilyonaryo ang kaniyang asawa. Nais niyang maging normal na asawa o may bahay ng isang Alejandro Portalejo nang hindi iniisip ang kayamanan nito. “Oh, kamusta naman?” Bumalik siya sa pagpindot ng calculator. Ngayon niya napatunayan na talaga ngang mas malaki ang gastusin kapag mas malaki ang kinikita. Ang layo kasi ng diperensya ng gastusin niya noon kasama si Myra kaysa ngayon, halos kakapiranggot lamang ng nakuwenta niya ngayon ang gastos nila noon. Lumapit sa kaniya si Alejandro. “She wanted to see us.” Napaangat siya ng tingin. “You mea