PAGKABALIK na pagkabalik ni Assi sa clinic ay napaupo siya sa waiting area at malalim na napabuntong hininga. Paulit-ulit niyang iniisip kung tama ba ang kaniyang naging dedisyon. Ipinananalangin niyang wala siyang pagsisihan dahil talagang malaking tulong ang inialok ni Alejandro sa isang katulad niya. Nang mga oras na iyon ay ang kapatid ang nasa isip niya. Kung paano ito bubuhayin at mapag-aaral sa maayos na paaralan. Nakikitaan pa naman niya ng mga pangarap ang kapatid, kaya naman itataguyod niya ito sa buhay kahit na anong mangyari. Kahit na mahirapan pa siya o ibenta ang kaniyang sarili.
“Ang lalim ah, kamusta?” bati ni Doc Cindy na may kasabay na pasyente sa paglalakad, kalalabas lamang nito ng opisina at nakatingin sa kaniya. Nagpaalam sa kasalukuyang pasyente matapos iyong ihatid sa pintuan ng clinic. Ibinaling nitong muli ang tingin sa kaniya. “Oh, ano, anong balita?”She tucked her hands on the pockets of her doctor’s gown.
“Doc, may ginawa ako na hindi ko alam kung tama.”
“Tungkol saan?” Interesado itong malaman. “Mukhang mahalaga ang kailangan sa ‘yo ng dalawang ‘yon,” dugtong pa nito at pinagmasdan siya.
“Tungkol sa surrogacy.” Kaibigan niya na ang doktor at wala siyang nais na ilihim dito, lalong-lalo na ang tungkol sa ganoong bagay, dahil tiyak siyang ito ang nakatutulong sa kaniya. Idagdag pang ang doktor lang naman ang malapit niyang kaibigan.
Namilog ang mga mata ni Doc Cindy. “T-talaga?” She was absolutely surprised of what she heard from her. “Sige, pag-usapan natin mamaya sa opisina. Medyo controversial kasi.” Tumawa ito nang mahina at bumalik sa trabaho.
Ganoon din naman ang ginawa ni Assi, bumalik na siya sa pagtulong sa clinic at sa ilan pang pasyente na nasa loob, ngunit kahit nasa pagtatrabaho ay pinag-iisipan niya pa rin ang tungkol sa kaniyang naging Desisyon.
Buong araw siya sa clinic at nang magsara ito ay kaagad siyang nilapitan ni Doc Cindy upang alukin ng kape. “Thanks for today, Assi, ang laking bagay talaga na narito ka tuwing day off mo.” May mga kasama naman ang doctor kapag weekdays, ngunit ngayong weekend ay magkasabay na nagpaalam ang dalawa kaya naman sakto ang pagbisita ni Assi sa klinika nito. Humingop ito sa iniiinom na kape. “So, kamusta nga ‘yong usapan natin kanina tungkol sa surrogacy? Don’t tell me inalok ka nila?”
Tumango siya. Wala siyang takas sa bagay na iyon, kaagad na nakuha ng doktor. “Hindi nila nabanggit kung bakit ako ang napili nila pero mukhang desidido na ‘yong lalaking magkaanak. Inalok niya ako na maging surrogate mother ng magiging anak niya sa halagang tatlong milyon.”
“At anong naging desisyon mo?”
She sighed. Sigurado naman siyang hindi siya huhusgahan ng doktor kaya naman tumango siya. “Para sa ‘kin maliit na bagay ang hinihiling niya kapalit ng tatlong milyong inaalok niya. Ano ba naman ang siyam na buwan kong dalhin ang bata nang wala akong gagastusin, pagkatapos ay makukuha ko na nang buo ang pera. Malaking bagay ‘yon para sa ‘min ng kapatid ko.”
Tumango si Doc Cindy at ngumiti. “Naiintindihan ko at igagalang ko ang desisyob mo. Tungkol sa maaring isipin sa ‘yo ng ibang tao, huwag mo na lamang pansinin.”
“Kanina naisip ko ang tungkol d’yan, pero bigla kong naisip na mas mahala ang perang ‘yon kaysa sa sasabihin nila. Ipingako naman ng lalaking si Alejandro na wala akong gagastusin ng kahit na ano sa loob ng ilang buwan kong pagbubuntis. Hindi na ako aatras sa bagay na ‘to.” She finalized her decision about the offer she receieved today. She's not going to do it because of herself but for her sister Myra. The amount said will go too far for the both of them.
Tumango si Cindy. “Ang totoo n’yan, hindi naman ako against sa bagay na ‘yan. Pero naisip mo rin bang kapalit ng anak mo ang tatlong milyon na ‘yon?”
Napatingin siya sa kaibigan. Hindi niya iyon naisip. Parang binili na ng lalaking iyon ang kaniyang dadalhing bata na ito rin naman ang ama at siya ang ina at magluluwal dito. Umiling siya. “H-hindi ko ‘yon naisip, pero...” Maging dahilan kaya iyon upang magbago ang kaniyang isip?
“Makakaya ba ‘yon ng konsensiya mo?”
Napabuntong hininga siya. “H-hindi ko alam.” Malalim siyang napaisip sa bagay na iyon, ilang minuto ring natahimik at pinagmamasdan ang mainit na kape na kaniyang hawak. Tumingin siya kay Doc Cindy maya-maya lang. “Iisipin ko na lang na nasa maayos namang kalagayan ang magiging unang anak ko. Mukhang mabuting lalaki naman ang kaniyang magiging ama.”
Tumango ang doktor ang ngumiti. “Mukhang wala ka rin naman balak mag-asawa at magkaanak, lalo na’t ang taas na pangarap mo para sa kapatid mo, at gagawin mo ang lahat para sa kaniya. I’m so proud of you, Assi.” She winked at her. Pinag-untog nila nang marahan ang kanilang mga braso. “Ang totoo niyan, wala pang batas sa Pilipinas ang tungkol sa surrogacy. Pero may ilang hospital na ang gumagawa nito. Mukha namang wala kang magiging problema, disente ang dalawang lalaking iyon.”
Tumango siya. “At mayroon kaming pipirmahang kontrata.”
“Alright, bago ka pumirma siguraduhin mo munang pag-aaralan mo ang lahat ng laman no’n. Mahirap na baka may ibang nakalagay roon at makaligtaan mo.”
Muli siyang tumango. Pagkatapos nilang uminom ng kape at mag-usap ay agad na siyang nagpaalam sa kaibigan upang umuwi. Walking distance lang naman ang kanilang bahay roon. Pag-uwi niya ay mayroon ng nakatakip na pagkain sa ibabaw ng lamesa. Nahihimbing na rin sa ibabaw ng papag ang kapatid niyang si Myra. Napangiti siya at sinimulang kainin ang itlog at kanin na nakahain. Pagkatapos ay naglinis siya ng sarili at tumabi sa kapatid. Niyakap niya ito at dinampian ng halik sa noo. Ngayon niya naisip na hindi siya nagkamali sa naging desisyon. She will give everything for her sister no matter what happen.
***
HATING GABI na ngunit hindi magawang dalawin ng antok si Alejandro. Kanina pa napupuno ng excitement ang kaniyang puso dahil sa magandang balita na natanggap kanina. Kaunti na lamang ang kaniyang aasikasuhin at masisimulan na ang lahat.
Ilang ulit siyang nabigo sa pag-ibig at hindi na nais masundan iyon, kaya naman ipinangako sa sarili na hindi na muli. Ang lahat ng kaniyang minahal na nobya ay nauuwi sa malagim na kahihinatnan, kung hindi sa pagkakasakit ay naaksidente naman ito. Kung naniniwala nga lamang siya sa malas at sumpa ay matagal na siyang nagpauto roon. Kaya naman ngayon, ang balak niya na lamang ay ang magkaroon ng anak na palalakihin. Magmamana ng kaniyang nga negosyo at lahat-lahat ng kaniyang ari-arian.
Batid niya naman sa kaniyang sarili na hindi na siya bata. On his thirty, he decided he needed a heir and he cannot just give all his property to someone he does not even know. Kaya naman naisip niya ang pagkakaroon ng anak kahit na wala siyang asawa. At least in surrogacy, he can call the child as his. Hindi niya nga lamang hahayaan na makilala nito ang ina o may makaalam na kung sino man ang tungkol sa surrogacy na kaniyang pinaplano. Kaya naman ang nilalaman ng kontrata na kaniyang ipapagawa ay talagang kaniyang pinag-isipan.
Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo, itinaktak, kumuha ng isa at sinindihan. It's relaxing him. Marami pa ang kaniyang magiging trabaho bukas ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok.
What's on his mind right now is how happy he was to have his kid very soon. He will be the happiest man on earth if that happened after nine months. Sana ay walang maging problema.
ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ