Billionaire 6

1200 Words
NAPABUNTONG hininga si Assi habang nakatingin sa mahabang pila ng ATM kung saan siya nakapila, nasa pinakadulo pa siya nito. Araw kasi ng pasahod ng ilang kumpanya. Kung hindi niya nga lamang kailangan ng pera ngayong araw ay hindi siya sasabay sa mga ito. Nangako kasi siyang magluluto ng masarap na ulam ngayon kay Myra, at siguradong hindi iyon makakalimutan ng kapatid kahit na nasa paaralan ito ngayon. Ito na rin kasi ang kanilang nagiging bonding dahil mas madalas pa siya sa klinik kaysa nasa bahay. Naiinip kasi siyang nasa loob lamang ng bahay tuwing siya ay naka-day off. Kakauwi niya lang galing trabaho, opening kasi siya at sumabay siya sa pila upang kumuha ng sahod. Inasahan niya na rin naman ang mahabang pila na ito, ngunit para kay Myra ay ayos lamang ito sa kaniya. She’s willing to do everything for her. Mabilis lang naman ang pila, maigi na lamang at dito na rin siya sa mall nag-withdraw. Naisip niya na rin kasing mag-window shopping dahil maaga pa naman at hindi naman siya hirap sa pag-uwi dahil malapit lamang ang kanilang tinitirhan. Actually, she was looking for something she can give to Myra as a present for her upcoming birthday. Sakto kasing pagpasok ng Disyembre ang kaarawan nito. Hindi naman ganoon kalakihan ang kaniyang sahod ngunit kahit papaano ay nais niyang bilhan ng regalo ang kapatid upang maramdaman nito ang pagiging espesyal kahit na sila na lamang dalawa ang magkasama. Pumasok siya sa isang department store at nag-ikot-ikot. Hindi naman siya talaga namimili sa loob ng mall, talagang balak niya lang magtingin-tingin, dahil baka sakaling may matyempuhan siya na mura at pupwedeng ibigay sa kaniyang kapatid bilang regalo. Hinawakan niya ang isang magandang bistida, nakalagay kasi ay ‘sale up to 50%’ kaya nga lamang, kahit na kalahati na ng presyo ang ibinaba nito ay hindi pa rin niya kayang bilhin. Mapait siyang ngumiti. “Mabibili rin kita, hindi man ngayon. Pag-iipunan kita.” Siguradong sa sasahurin niya ng darating na Disyembre ay mabibili niya ito dahil mapapadalas ang holiday, kaya nga lamang ay Enero niya na iyon sasahurin. Tapos na ang birthday ng kaniyang kapatid. Bigla tuloy siyang nalungkot. Tumingin-tingin pa siya ng ilang damit, ngunit talagang ang bistidang iyon ang umakit sa kaniyang puso. “Kainis naman. Pero siguro naman may murang kopya niyan sa tiangge, kaya lang espesyal kasi ang pagbibigyan ko.” Kung kasama niya rin ngayon si Myra, siguradong magugustuhan nito ang bistida at talagang babagay iyon dito. “Saka nan ga lang.” She deeply sighed again. Napailing siya at naisipan na lamang mag-ikot-ikot pa, hanggang sa nakarating siya sa gawi kung saan naka-display ang mga kagamitan pambata. … LUMABAS si Alejandro mula sa isang restaurant sa loob ng mall kung saan siya nakipagkita sa isang ka-partner sa negosyo. He had closed a deal just now. Kaya naman nasa mood siya. Sa paglalakad ay nadaanan niya ang glass wall ng isang department store. Napangiti siya nang makitang purong pambata ang mga iyon. Bigla tuloy siyang naengganyong pumasok sa loob. Hindi na siya nagdalawang isip pa, pumasok siya sa loob at tumingin sa mga kagamitan na naroon. These past few days, he’s getting more interested with kids stuffs and everything about having kids. Lalo na ngayong may nahanap na siyang magiging surrogate mother ng kaniyang magiging anak. He studied Assi Miller's profile. Mukha naman itong disenteng babae sa kabila ng kahirapan ng buhay kung saan ito namulat. Wala naman iyon para sa kaniya, isa pa ay siguradong kung aalukin niya ang may kayang babae tungkol sa kaniyang binabalak ay malabong mangyari. Maigi na ang katulad ni Assi. Maayos naman itong manamit at makipag-usap. As what he found out about this woman, she's a valedictorian when she was still in highschool. Hindi nga lamang ito nakapasok ng college, at batid niya naman ang dahilan kung bakit. Hindi naman siya tanga para hindi iyon malaman. Though it was not a big deal anymore. He only need a part of her as a woman and used her for nine months, that's all. Napangiti siya nang makakita ng isang asul na terno ng pajama para sa bagong panganak na sanggol. Sa tuwa ay binalak niya itong hawakan ngunit mayroong palad ang naunang dumapo rito, kaya naman napatingin siya sa katabing babae. “Naku, pasensiya na—” Napahinto ito nang makilala siya. Ganoon din naman siya nang makita ang babae. Ito ay ang babaeng iniisip niya kanina lamang. Si Assi, ang ina ng kaniyang magiging anak. Presko siyang tumango at pinagmasdan lamang ito. “You’re looking for baby stuffs too?” Mabilis na umiling ang babae. “Nadaanan ko lang, nakakatuwa kasi ang liliit.” Ibinalik nito sa ibabaw ng hilera ng mga pambatang damit ang hawak. “Pasensiya na, ayan na po.” Nahihiya itong ibinaling sa ibang gawi ang tingin. Nagkibit balikat si Alejandro. “I’m not going to buy it also, napatingin lang ako.” Hindi niya naman ikakahiya rito ang pagkasabik niyang magkaroon ng anak sa mga araw na ito, lalo na at ang babaeng ito ang kaniyang magiging kasangkapan upang matuloy ang bagay na iyon. “What are you doing here?” He sighed after he asked a such a stupid question. He rolled his eyes. “Of course to buy something,” siya na rin ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi naman na nagsalita pa si Assi at ngumiti na lamang. Nagsimula muli siyang ilibot ang paningin sa paligid. Naiilang ito sa kakaibang presensya ng lalaki. Hindi naman ganoon ang nararamdaman ni Assi kay Simon, unang kita pa lamang ay magaan na ang loob nito sa kaibigan ni Alejandro, ngayon ay ibang-iba ang nararamdaman nito para sa lalaking katabi ngayon. “Simon was arranging everything, sooner or later he’ll done for everything. I am hoping for no changes of your decision.” Napatingin ito sa kaniya at tumango. “Wala pong problema. Nakapag-commit na ako sa inyo.” He nodded. “Thanks, I understand.” Pinagmasdan niya na lamang ang babae sa paglalakad paalis. Maya-maya lamang ay hindi na matanaw ng kaniyang mga mata ang bulto nito dahil sa kalayuan ng nilakad ss loob ng department store frowned. Knowing Alejandro, he does not want to ask or even to talk someone that way when he saw them on the mall. Pero itong babaeng ito, nagawa niya pang kausapin. “Well, maybe because of surrogacy.” ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD