Billionaire 7

1141 Words
ISANG tawag mula sa hindi nakarehistrong numero sa cell phone ni Assi ang nanggising sa kaniya para sa umagang iyon. Kaagad siyang bumangon ng higaan upang sagutin iyon. Wala namang nakakaalam ng kaniyang numero, isa lang naman ang taong inaasahan niyang tumawag sa kaniya. Si Simon, na siyang pinagbigyan niya ng kaniyang number noong mag-usap sila tungkol sa surrogacy. Ito kasi ang nangakong makikipag-usap sa kaniya kapag natapos na ang kontrata. Isang linggo na rin kasi ang nakararaan simula nang huli silang mag-usap-usap. Inaalis na lamang ni Assi sa isip ang maaring maging negatibong makapagpapabago sa kaniyang isip patungkol sa naging desisyon. Dahil wala siyang nais na pagsisihan. “Hello,” bungad niya nang sagutin ang tawag. “Good morning, Ms. Assi.” Hindi nga siya nagkamali nang ang boses ni Simon ang kaniyang narinig. “It’s me Simon, if you can’t recognize my voice.” “Nakilala po kita kaagad.” “Oh, mabuti naman. You don’t have to respect me that way, it's too much, magkasing edad lang naman tayo.” Mahina itong tumawa. “Stop your ‘po’ and ‘opo’ to me.” Natawa na lamang din siya na bahagyang nahihiya. Parang hindi niya yata maatim na hindi ito respetuhin nang ganoon lalo na at nalaman niyang isa itong abugado. “Mataas ho kasi ang tingin ko sa inyo.” “Oh, don’t. We can be friends. Simon na lang para masanay ka.” “Sige, Simon.” Madali naman siyang kausap. Hindi niya rin nais mailang sa kaniya ang lalaki sa kung paano niya ito galangin. Siguradong mahaba-haba pa ang mga buwan na makikita niya ito, dahil kaibigan ito ng taong katransakyon niya ngayon sa malaking halaga. “May kailangan ka ba para sa umagang ‘to?” Naisip niya bigla ang dahilan kung bakit napatawag ang lalaki, hindi naman siguro iyon upang makausap lang siya tungkol sa nais nitong pakikipagkaibigan. “Yes, actually it’s about the contract. Gusto ni Alejandro na matapos ‘to agad at masimulan. If you’re available today, let’s meet on the same coffee shop we've met before. Alejandro will be with us. Eight at this morning.” Tumango siya. Nakalimutang hindi naman siya nakikita ng lalaki. “S-sige, Simon.” Napailing siya sa katangahang nagawa at pagkababa ng cell phone ay napabuntong hininga. Tuluyan siyang bumangon sa higaan at agad nag-asikaso para sa kanilang aalmusalin ng kapatid, mag-aala sais pa lamang ng umaga. Naisip niyang napakasipag naman ni Simon dahil hanggang sa ganitong oras ay tintrabaho nito ang iniutos ng kaibigan. Pagkatapos mag-almusal ay sunod niya namang inasikaso ang sarili upang bandang ala siete pa lamang ay makaalis na siya ng bahay, sa tansa niya ay sapat lamang ang oras na iyon upang makarating nang tamang oras sa napag-usapan. Hindi naman siya nagkamali dahil kaagad nakarating doon bago mag-alas otso. Hindi niya inaasahang naroon na ang dalawang lalaki, hindi naman nagsabi si Simon na maaga rin ang mga ito. Sa dating puwesto rin sila naupo. “Good morning,” bati ni Simon at ngumiti. “Gold morning din,” tugon niya naman sa lalaki at gumanti ng ngiti. Humarap siya sa katabi nito at tumango upang batiin. Tumango lamang ang lalaki. Talagang mailap ito kahit na noong magkita sila sa mall. Naiilang siya sa lalaki. Iba rin ang awra nito ngayon, masiyadong intimidating. Paano ba naman ay nakasuot ng itim at seryoso ang mukha. Makapal ang mga kilay na itim na itim, maging ang buhok ay itim. Ang tanging bagay na kulay pula sa mukha nito ay ang labi. Mamula-mula iyon. Inilapag naman ni Simon ang briefcase nito sa lamesa at binuksan. Kinuha nito ang ilang dokumento at pinagsama-sama. “So, here it is. You need to sign it today dahil kailangan ko siya ngayon para sa notary.” Napatango na lamang siya. Hindi niya magawang magsalita pa simula nang maupo, dahil ito sa presensya ng lalaki. He's something that distracting her even though he's doing nothing to disturb her. Inilapit ni Simon ang mga dokumento. “You need to sign them all on this area.” Itinuro nito ang gawi kung saan siya dapat pumirma at iniabot ang isang sign pen. Napatango siya. “S-sige,” bahagya pang nautal. Ano ba naman ang ginagawa niya? Nakausap at nakita niya na ang lalaking ito nang dalawang ulit ngunit ngayon lamang tumindi ang pagkailang niya rito. Hindi niya naman alam kung bakit, siguro ay dahil titig na titig ito sa kaniya ngayon habang kumikilos siya. Tinanggap niya ang sign pen na iniabot ni Simon at sinimulan ang pagpirma. Nakaligtaan niya ang sinabi noon ni Doc Cindy na binalaan siya sa pagpirma ng kontrata. Tapos na siya sa pagpirma nang maalala iyon. Nakagat niya ang kaniyang dila at nagsimulang pagpawisan ang kaniyang palad. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili sa pagsasabing wala naman sigurong masamang bagay ang nakasaan sa kontrata na lalabagin ang pagkatao niya. “A-ah, Simon,” tawag niya sa lalaki, “Puwede bang malaman kung ano ang nakasulat sa kontrata? Hindi ko kasi nabasa at isa pa malalalim ang mga nakasulat.” “Oh, yes, sure.” Ngumiti ang lalaki at inayos ang mga papel na babasahin sa kaniya. Nagsimula ito sa unang bahagi kung saan ipinaliwanag lamang sa kaniya ang mga salita, sunod-sunod na iyon. Nakinig lamang siya at tumatango. Maya-maya lamang ay namilog ang kaniyang mga mata sa sunod na narinig. “S-sandali, ano?” Pinahinto niya ang lalaki sa pagpapatuloy. Kumunot ang noo ni Simon. “Saan banda ka naguluhan? Masiyado bang mabilis?” Umiling siya. “Nabanggit mo ata ang pagtira ng siyam na buwan sa iisang bahay?” Hindi niya alam kung nabingi lang ba siya, o talagang ganoon ang narinig niya. Tumango naman si Simon. “Nakasaad dito na sa siyam na buwan mong pagbubuntis ay titira ka kasama si Alejandro sa iisang bahay para maalagaan kayo nang maayos ng batang dadalhin mo.” Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Jusko,” mahina niyang sambit. Halos pabulong na lamang iyon. Pinagsalikop niya ang nanlalamig na palad sa ibabaw ng lamesa. “K-kailangan ba talaga ‘yon?” “Ito kasi ang nakalagay sa kontratang pinirmahan mo.” Natapik niya ang kaniyang noo. Talagang hindi siya nakikinig sa sinabi ni Doc Cindy, patango-tango pa siya. ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD