PAGKABIGAY na pagkabigay ni Belle ng pregnancy test kit ay kaagad nagtungo si Assi sa bathroom. She tested her urine and placed the test kit on top of the sink when she’s done. Hihintayin niya na lamang ang resulta pagkaraan ng ilang minuto. Lumabas siya ng bathroom nang nakahawak sa kaniyang dibdib. “Kamusta po?” nakangiting tanong ni Belle. Ito man ay excited din sa magiging resulta, positibo man o hindi. Ngunit pareho silang malakas ang loob na positibo ang resulta, kaya nga lamang ay hindi nais umasa ni Assi nang sobra dahil maari pa ring maging negatibo. Her menstruation can be delay and some symptoms maybe cause by something else. “Five minutes babalikan ko, ‘di ako mapakali eh. Grabe kinakabahan ako. Hindi ko alam kung titignan ko ba.” Hindi niya naiwasang mapa-sign of the cross