NAGPASAMA si Assi sa asawa na magtungo sa palikuran. Puputok na ang kaniyang pantog, paano ba naman kasi ay napakalamig sa silid na kinaroroonan nila. “Hintayin mo ‘ko rito ah,” aniya sa asawa nang huminto sila sa labas ng ladies room. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nasabi. Siguro ay dahil natatakot siyang mag-isa na maglakad sa hallway pabalik sa kanilang lamesa. “Of course, saan pa ba ako pupunta? Hindi ako babalik sa mesa nang hindi ka kasama.” He chuckled. “My insane wife, here she goes again. Don’t panic, I’ll wait you here.” Ngumiti ito at hinalikan siya sa pisngi. Tumango siya at napangiti na lamang din. Pumasok na siya sa loob ng washroom at hindi niya inasahan ang makikita roon. Naabutan niya si Celina na nagre-retouch ng makeup nito sa harap ng salamin. Natigilan siya sa