HABANG hinihintay ang asawa na bumalik ay inabala ni Assi ang sarili sa kaniyang paligid. Ngayon lamang siya nakasakay ng isang eleganteng barko na mayroong sosyal na pagdiriwang na ginaganap at ang buong paligid ay nababalutan ng karangyaan—sa disenyo pa lamang ay hindi na ito nagpapahuli. Too luxurious to describe. And she could not find better words to explain how beautiful the surroundings. Tila ata pabonggahan ng kasuotan ang labanan, dahil naggagandahan ang suot ng mga bisita sa loob maging ang mga papasok pa lamang sa barko. Nang mainip sa katitingin sa paligid ay inabala niya na lamang ang kaniyang sarili sa kaniyang cell phone. She texted Alejandro ‘I love you’ even if she was not sure if he will check his phone or not. Lingid sa kaniyang kaalaman ang pares ng mga matang kanina