TUMINGIN si Assi sa salamin at pinagmasdan ang kaniyang sarili. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi sa nakikitang bagong anyo. Datapwat hindi ito ang unang pagkakataon na naayusan siya nang bongga, ay hindi niya mapigilang mamangha sa kaniyang sarili. She can’t stop asking herself if it was really her. Idagdag pa sa kaniyang pagkamangha ang suot-suot na pulang evening gown. Pinalilitaw nito ang kulay ng kaniyang balat datapwat hindi siya gaanong kaputian. She wore her jewelries given by her husband—Alejandro. Bagsak na bagsak ang laylayan ng suot niya at mayroon itong hiwa sa kaliwang binti. Hindi niya napansin ang hiwa na iyon nang bilhin nila ang gown kaya naman wala na siyang nagawa kundi suotin ito ngayon. “Beautiful as always,” Alejandro whispered through her ears, standing at he