DALI-DALING lumabas ng sasakyan si Assi nang tuluyan silang makarating sa lugar na sinasabing kinaroroonan nina Simon at Celina. Kasama nilang mag-asawa ang mga pulis nang tumungo rito, ito na ang tamang oras para dakipin at pagbayaran ni Celina ang kalokohang ginawa. Hindi na sila nagsayang pa ng oras at kaagad nang hinanap ang silid na tinutuluyan ng dalawa. Assi and Alejandro followed the two polices that led them the way. Nakiusap silang sumama, ngunit may kondisyon iyon. Kailangan ay manatili sila sa likuran upang hindi mapahamak sa oras na hindi maganda ang kalabasan ng pag-aresto kay Celina. “Kinakabahan ako,” wika ni Assi habang hawak-hawak ang palad ng asawa. Nakasakay na sila ngayon ng elevator at hindi maiwasan ni Assi ang matinding kaba sa kaniyang dibdib. Sana naman ay umayo