THEY ARE both excited when they leave home to visit Assi’s doctor and have her ultrasound for their second baby. Habang nasa byahe pa nga ay hindi maiwasan ni Alejandro ang mapaisip kung anong kasarian nga bang talaga ng kanilang susunod na anak. Hindi sila natigil sa panghuhula hanggang sa tuluyan silang makarating sa klinika. “I think it’s another boy.” Pinagmasdan niya ang asawa habang kinakalas ang kaniyang seatbelt. “Hula ko naman babae, depende raw kasi sa shape ng tiyan pero hindi ko alam kung totoo ‘yon.” Siya na rin ang nagkalas ng seatbelt ni Eros na nasa gitna nila. Hindi nila kasama ngayon si Myra dahil sinundo ito ng pinsan ni Assi na guro para sa panibagong araw ng outreach nito. “Hmm, we will know today.” Magkakasabay silang bumaba ng sasakyan at hinintay ni Alejandro na