SA MULING pagmulat ng mga mata ni Assi ay nasa kaniyang silid na siya. Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na napabangon sa kaniyang kama. Kahit nahihimbing siya hindi niya makakalimutan na ngayon ang kaarawan ng kaniyang kapatid na si Myra. Ngunit anong oras na ba? Tumingin siya sa kanan, sa gawi ng bedside table at malinaw na nakita sa alarm clock ang oras. “Oh my God!” bulalas niya at natapik ang noo nang makitang ala sais na ng gabi. “Jusko! Baka wala na akong maabutan nito.” Malalim siyang napabuntong hininga, dali-daling bumangon sa kama upang kunin ang regalo para sa kapatid at lumabas ng kaniyang silid nang iika-ika. Bigla niyang naalala ang lalaki. Napahinto siya sa paglalakad at natuptop ang mga labi. Nanumbalik sa kaniyang isip ang nakita kanina lamang, kung saan malinaw