DAHIL HINDI mapakali ang ina ni Alejandro nang hindi nalalaman kung nasaan ang anak ay kaagad itong nagbayad ng taong maghahanap dito. She cannot stop herself from doing such of this things because she’s too scared to lose her son. Palagi na lamang nitong nararamdaman na tila itinatakas ni Assi ang anak o inilalayo sa mga magulang nito. Mas lalo tuloy itong nagagalit sa babae. Hindi naman ganito kakumplikado mag-isip ang ina ng lalaki noon. Hinahayaan nito ang anak sa kahit na anong desisyong gustong gawin sa buhay, subalit simula nang malaman nitong isang mababang babae lamang ang pinakasalanan natatakot itong mahihirapan ang anak panghabang-buhay. Kaya naman naniniwala itong kailangan gumawa ng paraan upang malagay si Alejandro sa tamang landas bago ito tuluyang mawala sa mundo. “What