NABIGLA ang lahat ng nasa mansion nang matuklasang wala ang mag-asawa sa kanilang silid, lalong-lalo na ang mga magulang ni Alejandro. “Hindi sila nagpaalam sa ‘kin,” wika ng ama ng lalaki at naupo sa sofa sa living room. “Kaya pala kanina pang umaga ay walang bumababa para kumain ng agahan.” Malalim itong napabuntong hininga. Napapaisip sa biglaang pag-alis ng buong pamilya. “What’s happening?” Alejandro’s mother asked her husband. Kabababa lamang nito mula sa itaas at nakasunod dito ang personal nurse nito. Naabutan ng ginang na nagkukumpulan ang mga tao sa sala kaya nagtaka ito. Alas dose na ng tanghali at kabababa lamang nito. Samantalang ang mga tao sa mansion ay kanina pa nagtataka. “Is there something wrong?” Ang ama ni Alejandro ay hindi malaman kung paano sasabihin sa asawa an