INUMAGA sa byahe sina Alejandro at Assi bago tuluyang nakarating sa kanilang destinasyon. Nang umagang iyon ay kaagad na tumawag si Assi sa kaniyang kapatid na si Myra na siyang nag-iisang tao na sinabihan sa pag-alis (gumamit siya ng spare phone dahil hindi nila pupwedeng gamitin ang kanilang mga cell phone), ngunit hindi niya direktang sinabi kung saan sila magpupunta. Higit isang linggo na rin naman kasing wala sa mansion ang kapatid dahil nasa pinsang buo niya ito na si Lesly. Isa itong teacher at tinutulungan ito ni Myra sa ilang outreach program na dinadaluhan nito. Napapadalas sa bahay nito si Myra at malaking bagay iyon kay Assi upang mailayo ang kapatid sa mapanghusgang mga mata ng ina ni Alejandro. Nakahinga siya nang maluwag sa bagay na iyon. Pinagmasdan niya ang rest house na