Chapter 16 Masyadong malaki ang kwartong ibinigay ni manang ising para kay Athena. Malapit lang iyon sa kwarto ni pogi. Isa raw ang kwartong iyon sa sikwentang guest rooms sa buong mansyon. Kaya naman si manang ising ang nagdesisyon na piliin ang pinakamalapit na guest room sa kwarto ni Lance. Mayroon isang malaking king size bed at dalawang lamp shade na kulay itim sa gilid ng kamang iyon. May malaking sofa rin sa loob ng kwarto at kulay itim ang carpeted na sahig. Malamig sa buong mansyon dahil naka-airconditioned ang bawat kwarto maski nga sa pasilyo ng mansyon ay may aircon rin. Hindi nga sanay si Athena sa ganito kalamig na bahay kaya naman nanghiram siya kanina kay manang ising ng jacket Tinuro sakanya ni manang ising kung paano gumamit ng shower sa loob ng banyo. Dahil nais n