Chapter 15 Hindi makapaniwala si Athena ng makapasok siya sa loob ng mansyon ng mga Steford. Hindi niya akalain na may ganoong kalaking bahay pala ang mga mayayaman! Parang palasyo na iyon sa sobrang laki at ganda ng straktura ng mansyon. Nagulat rin si pogi dahil hindi nito akalain na isa pala itong anak ng bilyonaryong doktor. Pareho silang namamangha sa sobrang laki ng mansyon na iyon. "Dito ka nakatira Lance? Ang ganda! Grabe parang buong isla na itong bahay niyo" Napapanganga niyang pagpuri sa mansyon habang pinalilibot nila ang kanilang paningin sa magagandang kagamitan sa loob ng mansyon na sobrang kintab dahil sa kalinisan. "Hindi ko rin inaasahan na ganito pala kalaki ang bahay namin." Napapatingin rin si Lance sa loob ng buong mansyon habang magkahawak ang kanilang mga ka