Chapter 27 "Hays. Hindi pumayag sila mommy na doon tayo tumira sa condo ko.." Napangiti si Athena habang pinakikingan ang pag-rereklamo ni Lance. Nagpaalam kasi ito kanina sa parents nito na nais nitong itira siya sa condo unit nito. Ngunit sa kamalasan ay hindi pumayag ang mag-asawang Steford. Kailan pa daw kasing obserbahan ni Doctor Lance Sr.ang kalagayan ni Lance. Marahan niyang hinaplos ang mga kamay nitong nakapulupot sa kanyang bewang. Naroon sila sa balkonahe ng kwarto niya habang nakatingin sila pareho sa madilim na kalangitan at ang bilog na buwan na napapaligiran ng mga bituin ang tanging liwanag ng kadiliman ng paligid Nakayakap ito sa kanyang likuran habang nakasandal siya sa dibdib nito. "Ayos lang yun pogi. Tama naman ang daddy mo. Kailangan ka pa niyang subaybayan par