Chapter 28 "Oh God!" Napabalikwas si Lance ng magising siya ng umagang iyon. Hingal na hingal siya dahil sa kanyang napanaginipan. Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Damn dream. Akala ko nalunod nako!" Huminga siya ng malalim dahil sa kanyang napanaginipan. Ngunit ng mapahawak siya sa kanyang nuo ay napagtanto niyang hindi panaginip ang nangyari sakanya "Oh s**t" Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kanyang bathroom upang tignan ang kanyang nuo sa salamin "Geez! Natamaan talaga ako ng bakal na yun? Buti naman buhay pa ko." Napangiwi siya ng makita niya ang sugat sa kanyang nuo. Medyo magaling na ang sugat na iyon ngunit halatang malalim. Mukhang tinahi na rin ito. Hindi na siya nagtaka kung ano ang kanyang ginagawa roon sa kanyang lumang kwarto sa mansyon. Marahil doon siya din