Chapter 29 "A-Anong nangyari dun kay L-Lance manang? B-Bakit parang hindi niya ako kilala?" Nagmamadaling lumapit si manang ising sakanya at hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "Naku ineng huwag sana maging totoo ang kutob ko. Sa tingin ko nakakaalala na si Lance! Bumalik na siya sa ugali niya noon." Nahigit niya ang kanyang paghinga dahil parang hindi siya makahinga. "N-Napagkamalan niya po akong bagong katulong dito sa mansyon. Sa tingin ko hindi niya ako naaalala.." "Hinayupak na batang yan. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya kuntodo bantay ako saiyo. Kamuntikan ka ng bumigay kagabi. Diyoskosantisima bakit kaya hindi ka niya nakikilala?" Napalunok siya dahil parang may bumara sa lalamunan niya. "B-Baka ho ginogood time lang niya ako?--" "Hindi ineng. Ganoon na ganoon yang b