Chapter 7

2324 Words
Chapter 7 Isang linggo ang mabilis na lumipas. So far nagkasundo naman sila ni Sandro dahil mabait naman ito. Tunuruan niya ito kung paano magluto at napansin niyang fast learner ito. Sa tingin ni Athena ay mas nagtitiwala siya sa lalake sa pagdaan ng mga araw. Kahit papaano ay naging close na sila. Sa umaga ito ang palaging nauuna gumising upang ipagtimpla siya ng kape at iprito ng itlog o hotdog para sa almusal nilang dalawa Sa tanghali naman ay siya ang nagluluto ng kanilang ulam at ito ang nagsasaing. Naperfect na nito ang pagluto ng kanin dahil desidido itong matutunan kung paano magsaing ng tama Desidido itong tulungan siya Sa gabi naman ay tinutulungan siya nitong magluto. Magkatabi parin silang natutulog sa kanyang kama ngunit may unan na harang parin iyon sa pagitan nila upang hindi rin sila mailang sa isat-isa Natutuwa nga si Athena dahil kahit papaano ay nagiging magkaibigan na silang dalawa ng binata. Tinuturuan niya rin ito kung paano umakyat ng mga puno ngunit hindi talaga nito matutunan iyon. Nasusugatan ito kaya naman sinabihan niya itong huwag ng subukan ang delikadong bagay na iyon "O diba madali lang maglaba?" "Palagi mo tong ginagawa?" Tanong ni Sandro sakanya habang isinasampay nila ang mga maruming damit nila na kakalaba lamang nila. Nilabhan kasi nila ang mga maruming damit na ginamit nila sa buong linggo "Oo linggo linggo ko yan ginagawa para hindi naiipon. Mahirap kasing matambakan ng labahin eh" Sagot niya habang isinasampay rin niya ang isang t-shirt sa hanger Doon sila nag sasampay sa likod ng bahay niya. Pagkatapos nilang magsampay ay inaya naman niya itong pumunta sa mga puno ng prutas. Nais niya kasing uminom ng buko ngayon Hindi pa nakikita ni Sandro kung paano siya umakyat ng puno ng buko simula ng makilala siya nito. Sa puno palang nga ng mansanas at saging ay natatakot na ito para sakanya Napapangiti tuloy siya ng mapansin niyang nakakunot ang nuo nito habang nakatingala sa puno ng buko. Mas mataas iyon kumpara sa puno ng saging at puno ng mansanas. "Sigurado kang kaya mong umakyat sa puno na yan? It's very dangerous Athena--" "Sus ginoo. Kayang kaya ko yan. Para makainom tayo ng buko juice." Akmang kakapit na siya sa katawan ng puno upang akyatin iyon ng pigilan siya ni Sandro sa kanyang braso Napalingon tuloy siya sa binata "A-Ako na ang aakyat diyan" Seryosong presinta nito na animo'y marunong talagang umakyat ng puno Natawa siya sa sinabi nito. "Sa puno nga ng saging at puno ng mansanas ay takot na takot kanang umakyat eh. Dito pa kaya? Huwag na Sandro. Kayang kaya ko ito dahil palagi ko itong ginagawa" "But it's not safe for you. Paano kung malaglag ka diyan? Ang taas taas niyan" Muli itong tumingala sa puno na para bang ito pa ang mas kinakabahan sa gagawin niya "Hindi ako malalaglag diyan dahil sanay na sanay na akong umakyat niyan no. Relax ka lang diyan para makabalik na tayo sa bahay" Napabuntong hininga ito at parang ayaw pang bitawan ang braso niya. Ngunit tumango nalang ito dahil wala naman itong magagawa sa kakulitan niya "Paano ako aakyat ng puno kung hawak mo ang braso ko?" Napapangiting tanong niya Doon palang nito binitawan ang braso niya "Basta mag-iingat ka." Paalala pa nito sakanya na halatang kinakabahan ito Ngumiti siya bago siya umakyat ng puno. Alam niyang kinakabahan si Sandro habang nakatingin ito sakanya. "Dahan dahan lang! Baka mahulog ka niyan eh!" Sigaw pa nito habang umaakyat siya ng puno Sinadya talaga niyang bilisan ang pag-akyat sa puno dahil gusto niyang magpasikat sa binata. Nang makarating siya sa tuktok ng puno ay sumigaw siya para marinig nito ang sasabihin niya "Lumayo ka Sandro ihuhulog ko ang mga buko. Huwag mong sasaluhin ha?" Umusog naman ito palayo sa puno. Napapangiti si Athena sa itsura ni Sandro dahil kunot na kunot ang nuo nito Ihinulog niya ang apat na buko. Muntik na siyang mahulog dahil nadulas ang isang paa niya. Mabuti nalang at napakapit siya agad sa puno "Oh Damn! Athena!" Sigaw ni Sandro na para bang nawala ang kaluluwa nito sa sobrang takot sa kamuntikan niyang pagkahulog sa puno Huminga siya ng malalim dahil kinabahan rin siya doon. Ngayon lang nangyari iyon sakanya. Palibhasa nagpapapansin kasi siya sa binata kaya hindi tuloy siya nakapag-focus sa kanyang ginagawa Tumingin siya kay Sandro. Nagkulay suka ang mukha nito at halatang takot na takot Ngumiti siya para mawala ang takot nito at nag-peace sign pa siya. "Praktis lang! Masyado kang nerbyoso!" Sigaw niya para marinig nito ang sinasabi niya "Damn! Get down Athena! Baka madulas ka nanaman eh!" Sigaw nito "Naku naman tong hilaw na nobyo ko masyadong concern eh" Mahinang sambit niya sa kanyang sarili dahil kinilig siya sa pag-aalala nito Dahan dahan na tuloy siyang bumaba ng puno dahil kinabahan rin siya kanina Nang makababa siya ay napabuntong hininga si Sandro habang kunot parin ang nuo nito "O nakababa naman ako ng maayos ha? Ikaw naman kasi masyado kang nerbyoso pati tuloy ako kinakabahan eh muntik na tuloy akong madulas" Napa-iling iling si Sandro "Yan na ang huling beses mong aakyat sa ganyan Athena. Baka sa susunod madulas ka na talaga niyan eh." "Hindi pwede--" "Please?" Kunot nuong hiling nito sakanya Tumango nalang siya para hindi na siya nito kulitin pa. Pinulot niya ang dalawang buko. "Oo na pulutin mo na yung dalawang buko don oh?" Itinuro niya ang dalawang buko pa Bumuntong hininga ito at seryoso parin ang gwapong mukha habang nakatingin sakanya Kaya tinaasan niya ito ng kilay "Oo na nga sabi, Hindi na ako aakyat sa puno na yan. Tutal hindi ko rin naman yan nadadala sa kabilang isla dahil masyadong bibigat na ang bangka ng pinsan ko" "Pangako?" Naninigurado pa nitong tanong "Anong pangako?" Siya naman ang nagtaka sa sinabi nito "Ipangako mo na hindi kana ulit aakyat sa puno na yan" Itinuro pa nito ang puno ng buko Napangiti tuloy siya. "May nalalaman ka pang pangako pangako diyan? Oo na sige na pangako hindi nako aakyat muna este aakyat diyan" "Mabuti naman. Delikado para sayo ang umakyat sa ganyan lalo na mag-isa ka lang dito. Walang tao na tutulong sayo kapag nalaglag ka diyan" "Sus ginoo. Daig mo pa ang tiyuhin at pinsan ko sa pag-aalala mo sakin eh. Tara na nga" Nauna na siyang maglakad kay Sandro dahil hindi niya mapigilan mapangiti na may halong kilig. Ayaw niyang ipakita sa binata ang kilig niya dahil baka mailang ito sakanya Palagi naman siyang kinikilig dahil kay Sandro. Hindi naman kasi siya bulag at nakikita niya kung gaano talaga ito kagwapo! Nakikita niya rin na may mabuti itong loob lalo na at willing itong tulungan siya sa mga gawaing bahay Pinipigilan nga niyang masanay eh. Dahil panigurado mahihirapan siya kapag bumalik na ito sa tunay nitong pamilya Hanga't maaari ay ayaw niyang masanay na naroon ito sa kanyang tabi. Isang linggo na kasi siyang palaging masaya habang kasama ito. Hindi man niya aminin sa kanyang sarili ay alam niyang may umuusbong na siyang pagtingin sa lalakeng ito Nang makarating na sila sa bahay niya ay agad niyang biniyak ang dalawang matamis na buko samantalang naupo lang ito sa kusina Isinalin niya ang sabaw ng buko sa dalawang baso at inilapag niya sa harap ni Sandro ang isang baso. "Huy? Bakit nakasimangot ka parin diyan Sandro?" Tanong niya kay Sandro dahil napansin niyang nakasimangot parin ito ng kaunti Tahimik lang kasi ito habang umiinom na siya ng buko juice. Hindi nga nito binabawasan man lang ang buko juice sa baso nito na ibinigay niya "Kinabahan kasi ako sayo kanina. Paano kung nalaglag ka dun?" "Uso po ang pagmove on Sandro. Hayaan mo na yun dahil hindi naman ako nahulog eh. Hindi na rin ako aakyat don ulit kaya huwag mo ng isipin pa yun." Tinignan lang siya nito "Pangako di nako aakyat doon. Osige na inumin mo na yang buko juice. Fresh na fresh yan at napakatamis pa" Bumuntong hininga si pogi bago nito ininom ang buko juice "Alam ko na para hindi kana magalit sakin ipagluluto kita ng masarap na ulam sa tanghalian natin at masarap na banana-que para sa miryenda natin. Ano gusto mo ba iyon?" Ginalaw galaw pa niya ang kanyang kilay para ngumiti na ito Nasanay na kasi siya na palagi itong nakangiti sakanya at madalas pa silang nagtatawanan Napapangiti ito ngunit halatang apektado parin ng nangyari kanina. "Ayos sige magluluto na ako!" Nakatingin lang si Sandro sakanya nang tumayo siya. "Kapag ikaw nalang mag-isa rito mag doble ingat ka sana Athena" Nahinto tuloy siya sa pag-hahanap ng kalderong paglulutuan niya ng magsalita si Sandro sa likuran niya "O-Oo ba. Huwag kang mag-alala masyado sakin dahil sanay naman ako." Napaiwas siya ng tingin kay Sandro dahil napapatibok nito ng mabilis ang puso niya Nagkunwari nalang siyang naghahanap parin ng kaldero o kawali na paglulutuan niya "Anong ulam ang lulutuin natin ngayon?" Tanong nito sakanya "A-Adobo nalang? Masarap na adobo!" Pinasigla niya ang kanyang boses upang pagtakpan ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya Ito naman kasing si pogi masyadong nag-aalala sakanya. Natutuwa tuloy ang puso niya eh! Kumuha ito ng isang sibuyas at isang ulo ng bawang upang hiwain iyon. Palagi siyang tinutulungan nito sa pag-luluto. Kumuha rin ito ng manok sa man made freezer niya. Mayroon siyang refrigirator na gawa sa semento dahil sinadya talaga ng magulang niya noon na magkaroon ng ganoon para mapatagal ang mga pagkain na pang isang buwan. Nilalagyan niya lang iyon ng bloke bloke na yelo na binibili niya rin sa kabilang isla. Hindi niya maiwasan mapatitig kay Sandro habang naghihiwa ito ng sibuyas at bawang. Napakagwapo nitong pagmasdan sa tuwing hindi ito nakatingin ay pasimple niya itong tinititigan Madali itong natuto sa pagluluto kaya natutuwa siya. Fast learner ang binata kaya nasisigurado niyang matalino ito at hindi tatanga-tanga "Bakit mo ko tinititigan Athena?" Nagulat siya sa sinabi ni Sandro. Hindi naman ito nakatingin sakanya kaya paano nito nalaman na tinititigan niya ito?! May mata ba ito sa gilid ng pisngi nito?! "H-Hoy hindi ha! Tinitignan ko lang kung tama yung pagkakahiwa mo sa mga yan" Palusot niya at mabilis siyang tumalikod kay Sandro "Akala ko napopogian ka nanaman sakin eh" Nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi ni Sandro kaya napatingin siyang muli dito at pinameywangan niya ito "Sus ginoo ka! Hindi no. Alam mo namang friends tayo eh kaya hindi ako magkakagusto sayo no!" Depensa niya sa sarili dahil baka makahalata pa ito sa damdamin niya Ayaw niyang magkaroon ng ackwardness sa pagitan nila dahil masaya na siyang maging kaibigan ito at kuntento na siya sa ganoon "Sinabi ko lang naman na baka napopogian ka sakin hindi ko naman sinabing baka nagkakagusto ka na sakin" Napapangiting sabi pa nito kaya inirapan niya nalang ito "E-Eh parang ganon na rin yon no. Baka mamaya niyan isipin mo pang nagkakagusto na ako sayo?" Napapangiti ito kaya lalong namumula ang kanyang mga pisngi "Bakit ganyan ang reaksyon mo? nagkakagusto ka na yata sakin eh?" Pang-aasar pa nito sakanya na parang tuwang tuwa sa pamumula ng kanyang mga pisngi "A-Ay sus ginoo ka. Hindi no! Kahit kaunti wala! At saka alam mo namang may gusto akong iba diba? Y-Yung si ano. Si Sandro yung taga doon sa kabilang isla oh ha? Kaya paano ko magkakagusto sayo no. Ikaw talaga oh!" Palusot niya na sinabayan niya pa ng pagtawa ng peke Nawala naman ang mapaglarong ngiti nito sa mga labi dahil sa sinabi niya "Eh diba pamilyadong tao na yun?" Tanong nito na bahagyang nakakunot nuo Nakahinga siya ng maayos dahil nailusot niya ang kanyang palusot. Mukhang naniwala naman ito "O eh ano ngayon? Hindi ko naman sinabing aasawahin ko siya o aagawin sa asawa niya eh. Ang pinag-uusapan lang natin yung damdamin ko diba? Kung sino ang gusto ko? O sige na magluto na nga tayo kung ano ano kasing sinasabi mo diyan eh" Hindi na ito kumibo dahil sa sinabi niya. Nagpapasalamat siya dahil hindi niya na kaya pang pag-usapan ang sumisibol niyang damdamin para kay pogi. Pagkatapos nilang magluto ay lumabas na ito ng kusina "O saan ka pupunta Sandro? Kakain na tayo mayamaya ng tanghalian eh" tanong niya bago ito lumabas ng kusina Nilingon siya nito "Maliligo lang ako para lalo akong pumogi" Napa-irap nalang siya sa binata dahil sa sinabi nito. Hinayaan nalang niya itong maligo muna. Pagkatapos nitong maligo ay pumasok itong muli sa kusina kung saan naroon parin siya at nagbabalat ng saging para mamaya sa gagawin niyang banana-que Hindi na niya tinignan si Sandro dahil alam niyang gwapong gwapo nanaman ito ngayon. Mas gwapo kasi ito sa tuwing pagkatapos nitong maligo. Bagay dito ang wet look. Hindi nalang niya pinagmasdan kung gaano ito kapogi para rin mapigilan niya ang kanyang damdamin para kay Sandro "Kain na ba tayo Athena?" Umupo ito sa tabi niya kaya tumayo agad siya "Osige iinitin ko lang yung ulam ang tagal mo naman kasing naligo eh" Sinundan siya nito para tulungan siya. Pinakalma niya ang kanyang sarili para hindi siya mailang sa presensya nito Huminga siya ng malalim at iniiwasan niyang mapadikit kay Sandro "Bakit anong problema mo Athena?" Tila napansin nito ang pagka-ilang niya. Saglit nitong hinawakan ang siko niya para makausap siya nito Iniwasan parin niyang mapatingin sa gwapong mukha nito kahit magkaharap na sila "Ikaw kase kung ano anong sinasabi mo kaya naiilang tuloy ako sayo" Kunot nuong sabi niya "P-Pasenya kana. Sige hindi na kita ulit bibiruin ng ganoon. Joke lang naman yun. Hindi ko naman iniisip na nagkakagusto ka talaga sakin. Natutuwa lang kasi ako sa pag-pula ng mukha mo kapag naiinis ka." Tinaasan niya ito ng kilay "Pangako hindi mo iniisip yon?" Naniniguradong tanong niya Ngumiti ito at ginulo ang kanyang buhok na para siyang bata "Oo hindi kaya huwag kana mailang sakin. Biro lang naman yun. Sabi mo nga para na tayong magkapatid" Napalunok siya sa sinabi nito. "O-Okay tama yun dahil wala naman talaga akong gusto sayo eh. Sige kumain na nga tayo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD