Chapter 6

2136 Words
Chapter 6 "Grabe naman tong lalakeng to? Naliligo pa sa gabi?" Napapa-iling nalang si Athena habang hinihintay si Sandro sa loob ng kanyang kwarto. Naliligo nanaman kasi ito kahit naligo na nga ito kaninang umaga. Mabuti nalang at libre ang tubig niya kaya kahit mag-wantosawa ito sa pagligo ay ayos lang naman. Nag-aalala lang siya dahil baka mabinat ito sa ginagawa nito. Ang alam niya kasi kapag may sakit ang isang tao o kapag kakagaling lamang sa trangkaso ay hindi pa pwedeng maligo ng tatlong araw. "Bahala ka nga Sandro. Gabing gabi na eh naliligo pa? Hindi ko naman siya aamuyin" Pilya niyang sambit habang tinitignan ang kanilang kamang hihigaan Madilim na sa paligid dahil wala namang kuryente ang bahay niya. Ngunit marami naman siyang lampara doon na ginagamit niya tuwing gabi para mayroon liwanag sa kanyang bahay. Tatlo ang lampara na mayroon sa bahay niya Isa sa kwarto, isa sa kusina at isa sa banyo. Binubuksan niya lang iyon gamit ang posporo. Ang gasolina naman ng lampara ay nabibili niya rin sa kabilang isla Mas gusto na niya ang ganoon kaysa palagyan niya pa ng kuryente ang bahay niya. Wala naman siyang pera at baka hindi rin pumayag ang kumpanya ng kuryente na lagyan siya doon dahil nag-iisa lamang ang bahay niya "Athena sa upuan nalang ako matutulog" Naayos na niya ang kamang tutulugan nila. Nilagyan niya ng mga bagong kobre kama at bagong palit na punda ang mga unan upang hindi naman nakakahiya sa binata Naglagay siya ng dalawang malaking unan sa gitna ng kama upang iyon ang maging pagitan nila ni Sandro. Ayaw man niyang patulugin ito sa tabi niya ay wala naman siyang magawa dahil wala itong ibang tutulugan. Paniguradong mahihirapan ito sa upuan. Ayaw naman nitong pumayag na doon siya sa upuan matulog dahil lalo lang daw itong nahihiya sakanya Nilingon niya si Sandro. Kakatapos lang nitong maligo at nakapagpalit na ito ng damit. Suot nito ang kulay puting tshirt ng kanyang tatay. Lalo tuloy lumitaw ang kagwapuhan nito. "Hindi na dito kana sa kama. Naglagay naman ako ng unan sa pagitan natin" Narinig niyang napabuntong hininga ito "Nahihiya ako sayo. Dalaga ka at ayokong maasiwa ka sa pagtulog dahil lang sakin. Malaking istorbo na nga ang nagagawa ko sayo" "Sus. Sinabi ko na sayo Sandro, Don't hiya hiya to me." Nakangiting pagpapanatag niya sa loob nito Ngumiti ito ng tipid "May tiwala ako sayo. Siguro naman kahit ganito ako kagandang dilag, hindi mo naman ako magugustuhan. Kaya sige na dito kana rin matulog. Isipin nalang natin magkapatid tayo?" Napangiti ang binata sakanya "Sige ate Athena" Biro nito sakanya kaya pareho silang natawa "Ate ka diyan? Aba siyempre ikaw ang mas matanda sakin no?" He smiled at her "Salamat Athena. Hindi ko sasayangin ang tiwala mo. Sana makatulog ka ng maayos dahil wala akong gagawing masama sayo habang nandito ako." Siya naman ang ngumiti "Ang drama mo naman Sandro? Oo ramdam ko naman yun na mabuti kang tao. Tara na, Matulog na tayo maaga kasi akong natutulog eh" Nahiga na siya sa pwesto niya. Malamig sa loob ng kanyang kwarto kaya kahit wala siyang electricfan ay presko parin kahit tuwing tag-init "Hindi ka maghihilamos?" Tanong ni Sandro sakanya nang makaupo ito sa kabilang pwesto ng kama. Naamoy niya ang mabango nitong katawan at ginamit pa talaga nito ang shampoo niya ha? Nilingon niya ito habang nakahiga siya. Nagpupunas na ito ng basang buhok nito sa isang puting tuwalya "Hindi. Isang beses lang akong naliligo eh. Ikaw bakit naligo ka pa gabing gabi na? Para kang hindi galing sa sakit eh" Ito naman ang tumingin sakanya. Nakakumot naman siya kaya hindi siya nahihiya sa binata kahit nakahiga na siya "I don't know, Parang sanay nakong maligo bago ako matulog" "Ganon? Ako kasi nagsisipilyo lang ako sa gabi. Kakaiba ka pala ano?" Ngumit ito bago ito humiga sa pwesto nito. Kahit pa may unan na nakaharang sakanila ay hindi parin mapigilan ni Athena na manibago. Lalo na't napakagwapo at napakamacho ng lalakeng katabi niya sa kanyang kama. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng katabi sa kama. Tumagilid ito para humarap sakanya kaya nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring balewala sakanya ang presensya nito. Baka kasi lumipat pa ito sa upuan kung mapapansin nito na naiilang siya "Hindi ka ba nalulungkot mabuhay mag-isa dito?" Dahil sa tinanong nito ay napatingin rin siya rito. Pinigilan nalang niyang magwapuhan ng husto kay Sandro dahil alam niyang delikado ang puso niya kung palagi niyang papansinin ang kagwapuhan nito "Hindi naman. Sanay na kasi ako eh." "Hindi ka ba naboboring dito?" Tanong parin ni Sandro sakanya Saglit siyang napaisip. "Minsan. Parang paulit-ulit nalang ang nangyayari. Pero nagsusulat ako ng mga nobela kaya nalilibang ako--" "Writer ka?" Medyo nagulat pa ito sa natuklasan nito tungkol sakanya Ngumiti siya. How she wish na totoo ngang writer siya ngunit wala naman siyang librong nagawa kaya para sakanya ay hindi siya writer "Nagsusulat lang ako pero hindi ako writer. Palaging tungkol lang sa gubat at pag-ibig ang sinusulat ko. Ako lang rin naman ang nagbabasa ng mga sinusulat ko kaya hindi ko masasabing manunulat ako" Nakatingin si Sandro sa kanya habang nagsasalita siya. Medyo nailang tuloy siya. "Love story? Bakit may naging boyfriend kana ba Athena?" Tanong ni Sandro na tila nagtataka ito "Huy wala pa no. Wala pa akong naging nobyo no!" "Pero ang sinusulat mo sabi mo tungkol sa pag-ibig?" "Oo tungkol nga sa pag-ibig. Bakit?" "Paano mo nasusulat ang tungkol sa pag-ibig kung hindi mo pa naman nararanasan?" Napataas ng kaunti ang kanyang kilay bago siya napangiti. Kaya siguro nagtataka ito dahil iniisip nito kung saan siya kumukuha ng inspirasyon tungkol sa pag-ibig "Kailangan ko bang maranasan yun bago ko maisulat? Kasi noong bata pa ako nakikita ko naman kung gaano kamahal ng magulang ko ang isat-isa kaya napaglibangan kong magsulat ng nobela tungkol sa pag-ibig para kahit papaano mabuhay parin ang mga magulang ko kahit sa nobela lang" Napatango-tango lang si Sandro habang nakikinig ito sakanya "Ikaw sa tingin ko marami kang nobya? O dikaya may asawa kana siguro Sandro" Hula niya Nakita niyang napangiti ito ng kaunti "Sa tingin mo?" Tumango siya "Oo naman. Kawawa naman ang nobya o asawa mo ano? Baka nalulungkot na yun dahil hindi nila alam kung nasaan ka" Napaisip ito ng kaunti bago ito napabuntong hininga. "Sana wala" "Bakit naman?" "Sabi mo kasi malulungkot yung asawa ko kung meron man eh. Paano kung kasing bait mo pala yung asawa ko? Ayokong malungkot siya dahil sa pagkawala ko" Napalunok siya at nag-iwas ng tingin kay Sandro. Gawin ba naman siyang example nito? Kinilig naman tuloy ang asadong puso niya dahil sa pangbola-bola nito "Sus ginoo ako pa talaga inihalimbawa mo ha?" Ngumiti lang ito at parang nag-eenjoy naman itong kakwentuhan siya "Wala ka bang balak magkapamilya Athena?" Natawa siya sa itinanong ni Sandro "Sino naman ang aasawahin ko dito? Mga ungoy?" Mahina itong natawa sa sinabi niya "I mean yung mga nasa kabilang isla wala bang nanligaw sayo?" Nais mapataas ng kilay niya. Tungkol na sa love life niya ang inuungkat ni pogi ha? Pero ayos lang wala naman kasi siyang ganoon "Marami no. Kaso ayoko sakanila eh. May nagustuhan ako kaso pamilyado na siya ngayon eh" "Ah yung Sandro?" Tumango siya at bahagyang kinilig pa. Naalala niya kasi si Sandro sa kabilang isla. "Oo kaso ang balita ko napikot kasi yon ng asawa niya eh. Kaya bago pa man may namuong pag-ibig saming dalawa, nawala na agad" Nakatingin lang si Sandro sakanya habang nag-kukwento siya "Pero gusto mo parin siya?" Tinaasan na niya ng kilay si pogi dahil medyo marami na itong tinatanong sakanya "Ikaw ha kung magtanong ka parang tatay kita? Diba nga kapatid kita?" Sabay silang natawa sa sinabi niya. "Tinatanong ko lang naman. Mas maganda kasi kung may makakasama ka dito o dikaya may magiging asawa ka balang araw para naman hindi ka nag-iisa dito" Saglit siyang natahimik "Hindi ko na pinapangarap mag-asawa. Masaya nako dito sa munting bahay ko. Dito na ako siguro tatandang mag-isa" Naramdaman siguro ni pogi ang lungkot sa kanyang pagsasalita kaya tumahimik lang ito "Kung may maging asawa man ako kawawa naman siya dahil hindi naman siya sanay sa ganitong klaseng buhay? Hindi ko rin kasi kayang umalis sa isla na ito eh. Kaya kung sino mang magiging asawa ko mapipilitan siyang manirahan dito sa isla. Sa tingin mo may gugustuhin tumira dito na kaming dalawa lang? Sa umpisa siguro masaya pero baka hindi niya kayanin kapag matagal na siya rito mabuburyo lang siya" "Yeah. You have a point." "Matulog na nga tayo Sandro chismoso ka pala napupuyat na tuloy tayo oh?" Ngumiti si Sandro sakanya bago ito humiga ng maayos. "Good night Athena." "Good night pogi" Nais niyang tapikin ang kanyang bibig dahil nasabi niyang pogi ito "Mas gusto kong itawag mo sakin pogi nalang kaysa Sandro." "Ha? Bakit naman? Aba gustong gusto mo palang nasasabihang pogi ano?" Ngumiti lang ito bago ito pumikit at ipinangtakip ang isang braso sa mga mata nito "Matulog na tayo Athena." "Sige Sandro" "Pogi. Iyon nalang itawag mo sakin huwag ng Sandro" "Ayoko nga." Napapangiting sabi niya Napansin niyang napapangiti rin ito "Ikaw ang bahala Athena" Hindi na siya kumibo para makatulog na sila. Nakakatuwang isipin na panatag siyang nakatulog ng gabing iyon kahit pa may katabi siyang estranghero. Buo ang tiwala niya kay pogi kahit pa kakakilala niya palang dito. Napatunayan niya iyon dahil buong gabing masarap ang tulog niya at wala itong ginawang masama sakanya Pag gising niya ng umaga ay wala na ito sa kanyang tabi. Naabutan niya itong natataranta sa kusina niya "Anong ginagawa mo Sandro?" Nagulat pa ito ng magsalita siya sa likod nito "Good morning. Balak ko sana magsaing kaso napasobra yata yung nailagay kong tubig?" Napapangiwing sabi ni Sandro sakanya "Ang aga mo nagising para lang mag-saing?" "I just wanna help you. I mean gusto ko lang makatulong sayo kaso palpak ang naisaing ko" Doon palang siya napangiti. Mukhang stress na stress ito dahil imbis na makatulong ito sakanya ay nasayang pa nito ang bigas "Sus. Madali lang gawan ng paraan yan." Lumapit siya kay Sandro upang tignan ang kalderong pinaglutuan nito ng bigas "Ginaya ko lang naman ang nakita ko sayo kahapon kung paano ka mag-saing ng bigas. Kaso hindi ko alam kung bakit naging ganyan" Nagulat pa siya ng makitang punong puno ng tubig ang kalderong pinagsaingan nito "Hindi naman yata kanin ang gusto mong iluto eh? Lugaw yata?" Biro niya kay Sandro para mawala ang stress nito Ngunit hindi ito napangiti dahil nanghihinayang ito sa bigas. Itinapon niya ang sobrang tubig mula sa sinaing nito. "Dahan dahan baka mapaso ka.." Inalalayan pa nito ang kamay niya sa kaldero habang tinatapon niya ang kumukulong tubig sa lababo Hinayaan nalang niya ito kahit nakaramdam nanaman siya ng munting kilig. Ang aga aga pa kinikilig na siya? "O diba? Relax ka lang kasi maluluto pa yan ng maayos" Lumayo na siya ng kaunti kay Sandro dahil naayos na niya ang sinaing Doon palang ito ngumiti at humawak pa sa dibdib nito. "Kinabahan ako don. Akala ko nasayang ko yung bigas eh." Nag-ngitian nalang silang dalawa. Nagpaalam siya dito na maghihilamos at sipilyo lang siya saglit sa banyo "Nagkape ka na ba?" Tanong niya kay Sandro nang maisipan niyang mag-timpla ng kape pagkatapos niyang lumabas ng banyo dumiretso agad siya sa kusina Napapangiti nga siya dahil binabantayan talaga ni Sandro ang sinaing nito para hindi masunog ang kanin "Hindi pa. Magluluto sana ako ng almusal natin kaso kanin palang pumapalpak nako" Napapakamot pa si Sandro sa buhok nito kaya tuloy lalo itong gumagwapo sa paningin niya "Hindi naman palpak eh? Mabuti nga yun sinusubukan mo akong tulungan. Salamat Sandro" "Sabi ko pogi nalang itawag mo sakin diba?" Napapangiti na ito at mukhang nawala na ang stress nito sa umagang iyon Pinagtimpla niya ito ng kape. Mayroon naman siyang kape at coffeemate doon sa mga supplies niya "O magkape ka muna pogi para kabahan ka ulit" Napangiti si Sandro. "Salamat. Turuan mo na kasi ako kung paano kita matulungan. Sa tingin ko naman nakabawi na ang katawan ko eh" "Mukha nga eh? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi Sandro?" Nagkakape sila ng sabay sa loob ng kusina niya. Natutuwa siya dahil mukhang nasarapan naman ito sa lasa ng kape na itinimpla niya "Yeah. Hindi ka naman humihilik kaya nakatulog ako ng mahimbing" Natatawang sabi ni Sandro Pakiramdam niya kabaliktaran ang sinabi nito "Humihilik ba ako?" Tawa lang isinagot nito sakanya habang nakatingin ito sa paglukot ng kanyang mukha Nakumpirma niya tuloy na naghihilik nga siya "Nakakainis ka naman pogi eh. Ikaw palang nagsabi sakin na naghihilik ako" "Ofcourse, ako lang naman ang unang taong nakasama mo sa pagtulog eh?" "Ay oo nga no?" Tumawa ulit si Sandro. Natutuwa siya kapag napapatawa niya ito pakiramdam niya mas napapalapit sila sa isat-isa bilang magkaibigan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD